Hangzhou Asian Games, maayos ang paghahanda sa 100-araw na countdown

2023-06-15 18:02:26  CMG
Share with:

Sa preskon, Hunyo 14, 2023, inihayag ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina, na nagsimula na, Hunyo 15 ang 100-araw na countdown para sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-19 na Asian Games, na idaraos mula Setyembre 23 hanggang Oktubre 8.

 


Anang tanggapan, ang lunsod Hangzhou, lalawigang Zhejiang sa dakong silangang Tsina ang main host ng palaro, pero idaraos din ang iba pang kompetisyon sa lima pang co-host city sa lalawigang Zhejiang, gaya ng Ningbo, Wenzhou, Jinhua, Shaoxing at Huzhou.

 

Ang mga kalahok mula sa 45 bansa’t rehiyon ng daigdig ay nagpalista na rin sa palaro, dagdag ng tanggapan.

 

Anito pa, ang Hangzhou Asian Games ay magiging mahalagang plataporma sa paglaki at pag-unlad ng palakasan sa Asya at importanteng paghahanda para sa Paris 2024 Olympic Games.

 

Ayon naman sa organizer ng palaro, tapos na ang konstruksyon ng 56 na pagdarausan ng kompetisyon, at 31 venue ng pagsasanay.

 

Ang mga ito ay maaaring mag-akomoda ng 40 pangunahing event, 61 sub-event at 483 minor event, anila.

 

Labindalawa (12) sa pangkalahatang 56 venue ng kompetisyon ay espesyal na ginawa para sa Hangzhou Asian Games.

 

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio