Mga 400 atleta, ipapadala ng Pilipinas sa Hangzhou Asian Games

2023-06-15 17:04:00  CMG
Share with:


Nagsimula ngayong araw, Hunyo 15, 2023 ang 100 araw na countdown para sa pagbubukas ng Hangzhou 2022 Asian Games.

 

Kaugnay nito, ipapapdala ng Pilipinas ang halos 400 atletang kinabibilangan nina Hidilyn Diaz, kampeon ng women's weightlifting sa Tokyo Olympics at Ernest John Obiena, Asian record holder ng men's pole vault, para makakuha ng mas magandang resulta kaysa 4 na medalyang ginto noong nagdaang Asian Games sa Jakarta.

 

Sinabi ni Abraham Tolentino, Presidente ng Philippine Olympic Committee (POC) na tinatarget ng koponang Pilipino ang mga medalya sa weightlifting, boxing, pole vault, gymnastics at iba pa.

 

Inaasahan niyang magandang palabas ang ihahandog ng Hangzhou Asian Games, bilang paghahanda para sa Paris Olympics sa susunod na taon.

 

Salin: Vera

 

Puldio: Rhio