Sulo ng Hangzhou 2022 Asian Games, sinindihan

2023-06-15 16:56:53  CMG
Share with:

Matagumpay na sinindihan, Huwebes, Hunyo 15, 2023 sa Archaeological Ruins of Liangzhu City, lunsod ng Hangzhou ng Tsina ang sulo ng Hangzhou 2022 Asian Games.

 


Ito ay sinindihan ng isang concave mirror, gamit ang sinag ng araw.

 


Ang Archaeological Ruins of Liangzhu City ay lugar kung saan matatagpuan ang patunay sa mahigit 5,000 taong kasaysayan ng sibilisasyong Tsino.

 

Kilalang-kilala ang Liangzhu sa prehistorikong sibilisasyon ng pagtatanim ng palay, sensitibong kasangkapang gawa sa hade, at pinakamaagang malawakang network ng konserbasyon ng tubig.

 


Maliban dito, gaganapin sa kalagitnaan ng Setyembre 2023 ang pagtitipun-tipunin ng maliliit na sulo, at isasagawa ang seremonya ng pagsisindi ng kaldera, at sisimulan ang torch relay sa West Lake, isang landmark ng Hangzhou.

 

Matapos ito, ihahatid ang sulo sa 11 lunsod ng lalawigang Zhejiang.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio