Premyer Tsino, opisyal na dadalaw sa Alemanya at Pransya

2023-06-16 16:33:06  CMG
Share with:

Ipinahayag Hunyo 15, 2023, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Minsitring Panlabas ng Tsina, na sa paanyaya ni Olaf Scholz, Chancellor ng Alemanya, at pamahalaan ng Pransya, opisyal na dadalaw mula Hunyo 18, 2023, hanggang Hunyo 23, si Premyer Li Qiang ng Tsina, sa Alemanya at Pransya.

 


Samantala, sa Alemanya, lalahok si Li sa ika-7 China-Germany inter-governmental consultation, at sa Pransya naman, lalahok siya sa Summit for a New Global Financing Pact.

 

Sinabi ni Wang na ang China-Germany inter-governmental consultation ay “supermotor” ng kooperasyon ng Tsina at Alemanya. Sa ika-7 konsultasyong ito, pasusulungin ng Tsina at Alemanya ang aktuwal na kooperasyon ng dalawang panig sa iba’t iba pang larangan.

 

Sinabi din ni Wang na nitong ilang taong nakalipas, sa magkasamang pamumuno nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya, mainam ang pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Pransya.

 

Ang pagdalaw ni Li Qiang sa Pransya ay naglalayong palakasin ang koordinasyon at komunikasyon ng dalawang bansa, pasulungin ang walang humpay na pag-unlad ng komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa, para ibigay ang bagong ambag para sa malusog at matatag na pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Europa, saad ni Wang.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil