Dumating Linggo, Hunyo 18, 2023 ng Berlin, Alemanya si Premyer Li Qiang ng Tsina, para dumalo sa ika-7 round ng konsultasyon sa pagitan ng mga pamahalaan ng Tsina at Alemanya, at opisyal na dumalaw sa Alemanya.
Inihayag ni Li na ang Alemanya ay unang hinto ng kanyang pagdalaw sapul nang manungkulan siya bilang premyer.
Aniya, nitong nakalipas na ilang taon, laging matatag na sumusulong ang relasyong Sino-Aleman, tuluy-tuloy na lumalalim ang kooperasyon sa iba’t ibang larangan, at walang humpay na natatamo ang mga bagong bunga.
Tinukoy ni Li na ang ika-7 round ng konsultasyon sa pagitan ng mga pamahalaan ay magsisilbing kauna-unahang komprehensibong pag-uugnayan ng dalawang bagong pamahalaan ng dalawang bansa.
Batay sa simulain ng paggagalangan, mutuwal na kapakinabangan at win-win na resulta, nakahanda aniya ang panig Tsino na matapat at malalimang makipagpalitan sa panig Aleman, maayos na hawakan ang mga alitan, pasanagain ang nilalaman ng estratehikong partnership sa lahat ng mga aspekto, at ipadala ang positibo’t mabisang senyas para sa pangangalaga sa katatagan ng global industrial chain at supply chain, at kapayapaa’t kasaganaan ng daigdig.
Diin ni Li, nasa pabagu-bagong panahon ang kasalukuyang daigdig, kaya kailangang palaganapin ng mga mamamayang Tsino’t Aleman ang tradisyon ng pagkakaibigan, at palakasin ang pagpapalitan at pagtutulungan.
Kasama ng panig Aleman, nakahanda aniya ang panig Tsino na pasulungin ang bagong pag-unlad ng relasyong Sino-Aleman, at magkakapit-bisig na likhain ang magandang kinabukasan ng sangkatauhan, batay sa mahahalagang komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa.
Salin: Vera
Pulido: Ramil