Pinakahuling kasunduan ng tigil-putukan ng Sudan, nagkabisa

2023-06-19 17:53:51  CMG
Share with:

Nagkabisa kahapon, Hunyo 18, 2023, ang pinakahuling kasunduan ng tigil-putukan na naabot ng Sudanese Armed Forces at ng Rapid Support Forces (RSF), at nagdulot ng pansamantalang kapayapaan sa iba’t ibang lugar ng digmaan na kinabibilangan ng Khartoum, kabisera ng bansa.

 


Ayon sa International Organization for Migration (IOM), humigit kumulang 2.2 milyong tao ang nawalan ng tirahan dahil sa armadong labanan sa Sudan.

 

Bukod dito, mga 3,000 katao ang nasawi at 6,000 ang nasugatan, ayon sa Ministro ng Kalusugan ng Sudan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil