Mayo 20, 2023, Jeddah, Saudi Arabia – Nilagdaan ng Hukbong Sandatahan ng Sudan at Rapid Support Forces (RSF) ang kasunduan ng tigil-putukan sa maikling panahon o short-term ceasefire.
Kasunod nito, inanunsyo Mayo 21 ng Hukbong Sandatahan ng Sudan ang pagtalima sa nasabing kasunduan at mga kaukulang humanitaryong areglo.
Ang naturang kasunduan ay nilagdaan, sa ilalim ng mediyasyon ng Saudi Arabia at iba pang bansa at tatagal ng 7 araw.
Ito’y nagkabisa alas-10 ng gabi, Mayo 21, lokal na oras.
Ayon sa pinakahuling datos ng Central Committee of Sudanese Doctors (CCSD), hanggang sa kasalukuyan, halos 850 sibilyan na ang nasasawi sa armadong sagupaang sumiklab noong Abril 15.
Libu-libong iba pa ang naitalang sugatan, anang CCSD.
Salin: Vera
Pulido: Rhio