Sa kanyang paglahok Hunyo 19, 2023, sa seminar ng mga kinatawan ng industriya at komersyo ng Alemanya, tinukoy ni Premyer Li Qiang ng Tsina, na ang iba’t ibang panig ay mayroong sariling pagkabahala sa seguridad, pero mahalaga ang isyu kung paano itong responsablehing depinihin at bantayan laban sa panganib.
Chinese Premier Li Qiang attends a seminar with representatives of the German business community in Berlin, Germany, June 19, 2023. /Xinhua
Aniya, ang kabiguan ng kooperasyon ay pinakamalaking panganib, at ang kabiguan ng pag-unlad ay pinakamalaking inseguridad.
Para sa partikular na problema, hinimok ni Li na ang lahat ng panig na pag-aralan ito, at magkakasamang harapin ng iba’t ibang panig ang mga problema sa pamamagitan ng konsultasyon at kooperasyon.
Samantala, ipinahayag ng mga kalahok na kinatawan ng Alemanya na ang Alemanya at Tsina ay close partners. Malalim ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa, at natamo ang malalaking tagumpay.
Ang pag-aalis ng panganib ay kailangan ng pagpapalakas ng kooperasyong pandaigdig, at hindi gagana ang decoupling.
Optimistiko ang sirkulo ng industriya at komersyo ng Alemanya para sa prospek ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino, at lubos ang kompiyansa nila sa Tsina.
Nananalig silang igigiit ng Tsina ang patakaran ng pagbubukas sa labas, nakahanda sila na dagdagan ang pamumuhunan sa Tsina, palalimin ang kooperasyon ng Tsina at Alemanya sa pagharap ng pagbabago ng klima, pagpapataas ng kakayahan ng pananaliksik, pagpapsulong ng pagbabago ng pagiging digital at iba pang larangan, para isakatuparan ang pagmamanupaktura sa Tsina, pananaliksik at pag-unlad kasama ng Tsina, at win-win na kooperasyon.
Lumahok sa seminar na ito ang namamahalang tauhan ng mga kumpanyang Aleman na kinabibilangan ng Siemens, Volkswagen, Mercedes-Benz, BMW, Schaeffler, BASF, Covestro, Wacker Chemie, Merck, SAP and Allianz at iba pa.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil