Premyer Tsino, lubos ng kompiyansa sa prospek ng kooperasyong Sino-Aleman

2023-06-20 15:51:28  CMG
Share with:


Berlin, Alemanya – Sa pakikipagtagpo kay Pangulong Frank-Walter Steinmeier ng Alemanya Lunes, Hunyo 19, 2023, inihayag ni Premyer Li Qiang ng Tsina na sa mula’t mula pa’y lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang relasyong Sino-Aleman.

 

Aniya, layon ng kanyang biyahe sa Alemanya na ipatupad ang komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa, tuluy-tuloy na pahigpitin ang pagtitiwalaan, hanapin ang bagong pagkakataon ng bilateral na kooperasyon, pasaganain ang nilalaman ng estratehikong partnership ng Tsina at Alemanya sa lahat ng mga aspekto, at pasulungin ang pag-unlad ng dalawang bansa at pagbangon ng kabuhayang pandaigdig.

 

Tinukoy ni Li na walang saligang alitan sa kapakanan ng Tsina at Alemanya, matibay ang pundasyon ng kanilang kooperasyon, at malakas ang makinang tagapagpasulong ng pag-unlad.

 

Lubos siya ng kompiyansa sa prospek ng kooperasyon ng magkabilang panig.

 

Inihayag naman ni Steinmeier ang kahandaan ng kanyang bansa na maging kapani-paniwalang kooperatibong katuwang ng Tsina, magkasamang ipagtanggol ang liberalisasyon ng kalakalan, at harapin ang mga hamong gaya ng pagbabago ng klima.

 

Tinututulan ng panig Aleman ang decoupling at anumang porma ng camp confrontation, at nakahandang palakasin ang pakikipag-ugnayan sa panig Tsino, at magkasamang gawin ang sigasig para sa pagpapasulong sa kapayapaan at kaunlaran ng daigdig, dagdag niya.

 

Nagpalitan din ng kuru-kuro ang kapuwa panig hinggil sa krisis ng Ukraine at ibang mga isyung panrehiyon at pandaigdig na kapuwa nilang pinahahalagahan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil