Premyer Tsino: magsikap ang Tsina para pasulungin ang reporma ng WTO

2023-06-27 16:08:13  CMG
Share with:

Tianjin Sa kanyang pakikipagtagpo Hunyo 26, 2023 kay Ngozi Okonjo-Iweala, Direktor Heneral ng World Trade Organization (WTO), ipinahayag ni Premyer Li Qiang ng Tsina na palagiang napapangalagaan ng Tsina ang sistema ng multilateral na kalakalan kung saan ang WTO ang ubod nito.

 

Aniya, ang pagpapatupad ng pangako ng pagsapi sa WTO ay makakabuti sa pagunlad ng sariling bansa, ito rin ay magdudulot ng benepisyo para sa buong daigdig.

 

Sina Premyer Li Qiang ng Tsina at Ngozi Okonjo-Iweala, Direktor Heneral ng World Trade Organization (WTO) (Photo from Xinhua)


Nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng iba’t ibang panig, para suportahan ang multilateralismo at malayang kalakalan, tutulan ang unilateralismo at proteksyonismo, pasulungin ang reporma ng WTO na matamo ang progreso, at mapangalagaan ang katayuan ng sistema ng multilateral na kalakalan bilang pangunahing tsanel, ani Li.

 

Isasakatuparan ng Tsina ang responsibilidad at obligasyon na angkop sa kakayahan at lebel ng pag-unlad ng kabuhayan nitong sarili, para mapangalagaan ang lehitimong karapatan ng mga umuunld na bansa, dagdag ni Li.

 

Ipinahayag naman ni Iweala na palagiang pinapasulong ng Tsina ang pagbubukas sa labas sapul nang sumapi ito sa WTO, sinusuportahan ang sistema ng multilateral na kalakalan, at natamo ng Tsina ang kahanga-hangang bunga ng pag-unlad.

 

Inaasahan ng WTO na itatatag ang malakas na partnership sa Tsina, para magkakasamang ibigay ang bagong ambag para sa pagpapasulong ng reporma ng WTO, pangangalaga sa sistema ng multilateral na kalakalan at iba pa, dagdag pa niya.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil