Tianjin, Tsina – Sa kanyang pakikipagtagpo Lunes, Hunyo 26, 2023 kay Klaus Schwab, Executive Chairman ng World Economic Forum (WEF), ipinagdiinan ni Premyer Li Qiang ng Tsina na dapat pahigpitin ng iba’t ibang bansa ang pag-uunawaan at pagtitiwalaan, bawasan ang miskalkulasyon, igiit ang mutuwal na kapakinabangan at win-win na sitwasyon, palakasin ang pagkakahalu-halo ng mga kapakanan, magkakapit-bisig na mapagtagumpayan ang mga komong hamon, at likhain ang mas magandang kinabukasan.
Aniya, igigiit ng Tsina ang pagtahak sa landas ng mapayapang pag-unlad, buong tatag na palalawakin ang pagbubukas sa mataas na antas, at nakahandang magsikap, kasama ng iba’t ibang panig, upang tuluy-tuloy na buuin ang bukas na kabuhayang pandaigdig, at pasulungin ang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.
Inihayag naman ni Schwab ang kahandaan ng WEF na palalimin ang partnership sa panig Tsino, pasulungin ang pagpapalakas ng iba’t ibang panig ng pag-uugnayan, pagpapahigpit ng pagtitiwalaan, at pagpapalawak ng kooperasyon, isakatuparan ang mutuwal na kapakinabangan at panalu-panalong resulta, magkasamang harapin ang mga hamong pandaigdig na gaya ng pagbabago ng klima, at pasulungin ang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.
Salin: Vera
Pulido: Ramil