Kooperasyon ng Tsina at Aprika, lalo pang pinapaunlad

2023-06-30 16:17:58  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati Hunyo 29, 2023, sa seremonya ng pagbubukas ng ika-3 China-Africa Economic and Trade Expo (CAETE) na idinaraos sa Changsha, lunsod sa lalawigang Hunan sa dakong gitna ng Tsina, ipinahayag ni Pangalawang Pangulong Han Zheng ng Tsina na ang pagtatayo ng CAETE ay mahalagang hakbangin sa kooperasyon sa Aprika na inaaprohaban ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina.

 

Chinese Vice President Han Zheng speaks at the opening ceremony of the third China-Africa Economic and Trade Expo in Changsha, central China's Hunan Province, June 29, 2023. /Xinhua


Aniya, sa nakalipas na dekada, gaano man ang pagbabago ng kalagayang pandaigdig, palagiang matapat at mapagkaibigang nagkakaisa at nagkokooperasyon ang Tsina at Aprika. Mas mahigpit ang pagpapalitan ng dalawang panig sa mataas na antas, walang humpay na pinapalawak ang kooperasyon, at natamo ang malaking bunga, na nagdulot ng benepisyo para sa mga mamamayan ng kapwa Tsina at Aprika.

 

Sinabi pa ni Han na sa pamamagitan ng modernisasyong Tsino at dekalidad na pag-unlad ng Tsina, nakahanda ang bansa na ipagkaloob ang bagong pagkakataon sa Aprika, para pasulungin ang malalim na pag-unlad ng aktuwal na kooperasyon ng dalawang panig, palagiang palalimin ang estratehikong pakikipagugnay sa mga bansang Aprikano, palakasin ang kooperasyon ng industrial at supply chain, pataasin ang lebel ng konektibidad, magkakasamang pasulungin ang sustenableng pag-unlad, buong tatag na palakasin ang pag-unlad ng pagbubukas sa labas, at itatag ang mas mahigpit na komunidad ng pinagbabahaginang kapalaran ng Tsina at Aprika.

 

Ang kooperasyon ng Tsina at Aprika ay gumaganap ng mahalagang papel sa South-South Cooperation at internasyonal na pakikipagkooperasyon sa Aprika, at itinayo ang modelo para sa pagtatatag ng bagong pandaigdigang relasyon, dagdag ni Han.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil