Sa kanyang pangungulo kamakailan sa group study session ng Pulitiburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), ipinahayag ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulo ng bansa, na dapat palagiang palalimin ang teoretikal na kaalaman sa inobasyon ng partido.
Aniya, ang solemnang historikal na responsibilidad ng mga komunistang Tsino sa kasalukuyang panahon ay buksan ang mga bagong hangganan sa pag-angkop ng Marsismo sa kontekstong Tsino, at kahilingan ng panahon.
Mahalagang ipagkaloob ang napapanahon at may batayang sagot sa mga bagong tanong ng panahon, saad ni Xi.
Dagdag pa niya, ang pag-unlad ng Kaisipan ng Sosyalismong may Katangiang Tsino sa Makabagong Panahon ay isang tuluy-tuloy na proseso ng pagpapayaman, pagpapalawak, sistematisasyon, at kristalisasyon ng akademikong teorya.
Dapat aniyang sundin ang linya ng masa para lalo pang pasulungin ang teoretikal na inobasyon ng partido.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio