Sabado, Hulyo 1, 2023 ay ika-102 anibersaryo ng pagkakatatag ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).
Sa bisperas ng okasyong ito, isang patnubay ang ginawa kamakailan ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, kaugnay ng pagtatayo at pagpapabuti sa kalidad ng pag-oorganisa ng Partido.
Ipinagdiinan niyang dapat gawing mahalagang tungkulin ang pagresolba sa mga katangi-tanging problema ng malaking Partido at pagkumpleto ng sistema ng ganap at mahigpit na pangangasiwa sa Partido, at puspusang buuin ang grupo ng mga masusing opisyal sa pangangasiwa na maaaring magsabalikat ng tungkulin ng pag-ahon ng nasyon.
Ginawang pokus ng gawain ni Xi ang Party building, at iniharap ang kahilingan sa ganap at mahigpit na pangangasiwa sa Partido.
Binubuo ng kahilingang ito, kasama ng komprehensibong pagtatatag ng sosyalistang modernong bansa, komprehensibong pagpapalalim ng reporma, at komprehensibong pangangasiwa sa bansa alinsunod sa batas ang estratehikong kayarian at pangkalahatang balangkas ng administrasyon ng CPC, at nagpapakita ito ng relasyon ng CPC at modernisasyong Tsino, pagtatatag ng modernong sibilisasyon ng nasyong Tsino, at pagsasakatuparan ng dakilang pag-ahon ng nasyong Tsino.
Ibig sabihin, ang pinakaesensyal na kahilingan sa pagpapabuti ng mga suliranin ng bansa ay pagigiit sa pamumuno ng CPC.
Salin: Vera
Pulido: Ramil