Artikulo ni Xi Jinping hinggil sa ganap at mahigpit na pangangasiwa sa CPC, ilalabas sa Qiushi Journal

2023-06-15 17:25:13  CMG
Share with:

Ilalabas sa Qiushi Journal, pangunahing magasin ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), Biyernes, Hunyo 16, 2023, ang artikulo ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulo ng bansa, hinggil sa ganap at mahigpit na pangangasiwa sa CPC.

 

Ayon sa artikulo, ang pagkumpleto ng sistema ng ganap at mahigpit na pangangasiwa sa CPC ay mahalagang hakbangin sa pagpapalakas ng Party building sa makabagong panahon na iniharap sa Ika-20 Pambansang Kongreso ng CPC.

 

Diin ng artikulo, ang pagkumpleto ng sistemang ito ay komong responsibilidad ng buong partido.

 

Dapat lubos na pasiglahin ang mga bentahe ng CPC sa pulitika; pag-oorganisa at sistema; patuloy na pataasin ang sistematisasyon at  istandardisasyon ng siyentipikong sistema; at ipagkaloob ang garantiya sa malusog na pag-unlad ng iba’t-ibang usapin ng CPC at bansa, anang artikulo.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio