Lunsod Qingdao, lalawigang Shandong sa silangang Tsina – Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng 2023 International Forum for Trilateral Cooperation, isang taunang porum sa pagitan ng Tsina, Hapon at Timog Korea Lunes, Hulyo 3, 2023, ipinagdiinan ni Wang Yi, Direktor ng Tanggapan ng Komisyon ng mga Suliraning Panlabas ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), na sa pamamagitan ng kasalukuyang porum, dapat ipadala ang malinaw na senyal ng muling pagsasaayos sa trilateral na kooperasyon.
Diin ni Wang, dapat samantalahin ng tatlong panig ang agos ng panahon, pulutin ang katalinuhang pangkasaysayan, at matatag na igiit ang tumpak na direksyon ng trilateral na kooperasyon.
Tinukoy niyang kailangang magkakasamang ipagtanggol ng tatlong panig ang kapayapaan ng Asya, magkakasamang pasulungin ang kasaganaan ng Asya, at magkakasamang magpunyagi para sa muling pag-ahon ng Asya.
Para rito, iminungkahi niyang dapat palakasin ang pagtitiwalaan, at magkakapit-bisig na pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon; pagsigasigan ang pagkakaroon ng mutuwal na benepisyo, at magkakasamang likhain ang lakas-panulak sa paglago ng kabuhayan; pag-igihin ang konektibidad, at pasulungin ang integrasyon ng kabuhayang panrehiyon; pagbutihin ang pagtutulungan, at magkakasamang harapin ang mga komong hamon; at ipauna ang pagpapalitan at mutuwal na pagkatuto, at patibayin ang pundasyon ng mithiin ng lipunan at mga mamamayan.
Bago ang seremonya ng pagbubukas, nakipagtagpo si Wang sa mga pangunahing panauhin sa porum.
Salin: Vera
Pulido: Rhio