Tsina sa Hapon: pangasiwaan ang radyoaktibong kontaminadong tubig sa siyentipiko, ligtas, at maliwanag na paraan

2023-07-04 17:11:12  CMG
Share with:

Kaugnay ng ginagawang pagdalaw sa Hapon ni Rafael Grossi, Direktor-Heneral ng International Atomic Energy Agency (IAEA), at paglalahad niya sa pamahalaang Hapones ng ulat hinggil sa pagsusuri ng IAEA sa pagpapalabas ng radyoaktibong kontaminadong tubig ng Fukushima Nuclear Power Plant sa dagat, sinabi kamakailan ng media ng Timog Korea, na ipinataw ng mga opisyal Hapones ang di-angkop na impluwensiya sa konklusyon ng naturang ulat ng IAEA sa pamamagitan ng mga paraang tulad ng pagbibigay ng pera.

Bilang tugon, ipinahayag Hulyo 3, 2023, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na may responsibilidad ang pamahalaang Hapones sa paglalabas ng mapagkakatiwalaang eksplanasyon hinggil dito.

 

Aniya, hindi etikal at hindi rin alinsunod sa batas ang pagpapalabas ng Hapon ng nuklear na kontaminadong tubig sa dagat.

 

Hinihimok aniya ng Tsina ang Hapon na tumpak na hawakan ang makatuwirang pagkabahala ng komunidad ng daigdig at mga mamamayang Hapones, itigil ang plano ng pagpapalabas ng radyoaktibong kontaminadong tubig sa dagat, aktuwal na pangasiwaan ang radyoaktibong kontaminadong tubig sa siyentipiko, ligtas at maliwanag na paraan; at tanggapin ang superbisyon ng komunidad ng daigdig, dagdag ni Wang.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio