Tsina sa Amerika: itigil ang unilateral na mapilit na hakbangin laban sa Venezuela

2023-07-06 16:03:59  CMG
Share with:

Inihayag ng kinatawang Tsino, Hulyo 5, 2023 sa Ika-53 Sesyon ng Konseho ng United Nations (UN) sa Karapatang Pantao (UNHRC), na pinapangalagaan ng Tsina ang Karta ng UN at pundamental na prinsipyo ng relasyong pandaigdig, at iginagalang ang landas ng pag-unlad na ipinasya ng mga mamamayan ng Venezuela.

 


Pinupuri aniya ng Tsina ang pagsisikap ng pamahalaan ng Venezuela para pasulungin at pangalagaan ang karapatang pantao, at bungang natamo nila sa usaping ito.

 

Umaasa ang Tsina na titingnan ng komunidad ng daigdig ang kalagayan ng karapatang pantao sa Venezuela sa makatuwiran at obdyektibong anggulo, saad niya.

 

Tinukoy ng kinatawang Tsino na palagiang naninindigan ng Tsina sa pangangasiwa ng pagkakaiba sa larangan ng karapatang pantao sa pamamagitan ng konstruktibong diyalogo at kooperasyon, paglutas sa kinauukulang problema sa pamamagitan ng kooperasyong panteknolohiya at capacity building, at buong tatag na tinututulan ang pakiki-alam ng mga puwersang panlabas sa mga suliraning panloob ng Venezuela.

 

Sinabi pa niyang isinagawa ng Amerika ang unilateral na sangsyon sa Venezuela, at ito’y tipikal na power politics at coercive diplomacy, na malubhang humahadlang sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Venezuela, at pagsisikap nito para pabutihin ang pamumuhay ng mga mamamayan.

 

Malubha itong nakapinsala sa mga pundamental na karapatang pantao ng mga mamamayan ng Venezuela na tulad ng karapatan sa buhay, karapatan sa pag-unlad at iba pa, at dapat agarang itigil ng Amerika ang mga maling aksyon nito.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio