Kinatawang Tsino sa UN, nanawagang pasulungin ang pagbabalik ng JCPOA sa tumpak na landas sa lalong madaling panahon

2023-07-07 16:44:25  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati Hulyo 6, 2023, sa pulong ng United Nations Security Council (UNSC) hinggil sa isyung nuklear ng Iran, nanawagan si Geng Shuang, Pangalawang Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN, sa iba’t ibang kinauukulang panig, na kinabibilangan ng Amerika, na isagawa ang aktuwal na pakikitungo para pasulungin ang pagbabalik ng Joint Comprehensive Plan of Action (JCPOA) sa tumpak na landas sa lalong madaling panahon.

 

Si Geng Shuang, Pangalawang Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN (file photo)


Tinukoy ni Geng na ang JCPOA ay mahalagang bunga na kinumpirma ng resolusyon ng UNSC. Ang unilateral na paglabas ng dating pamahalaang Amerikano mula sa JCPOA at pagsagawa ng napakalaking presyur sa Iran ay nagdulot ng krisis na nuklear sa Iran.

 

Ani Geng, sa kasalukuyan, dapat isagawa ng iba’t ibang panig ang mas malaking pagsisikap para simulan ang proseso ng talastasan sa lalong madaling panahon.

 

Hinimok ng Tsina ang Amerika na kanselahin ang lahat ng unilateral na sangsyon at hakbangin ng "long-arm jurisdiction" sa Iran at ikatlong panig, itigil ang maling aksyon sa pagbabanta ng paggamit ng dahas, para likhain ang mainam na kondisyon para sa pagpapanumbalik ng pagpapatupad ng kasunduan sa lalong madaling panahon.

 

Nakahanda ang Tsina na panatilihin ang mahigpit na pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang panig para pasulungin ang pagbabalik ng JCPOA sa tumpak na landas sa lalong madaling panahon, mapangalagaan ang international nuclear non-proliferation regime, kapayapaan at katatagan ng Gitnang Silangan, dagdag ni Geng.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil