Putin, nakipagtagpo sa mga komander ng Wagner Hunyo 29 sa Kremlin

2023-07-11 15:40:17  CMG
Share with:

Sinabi Lunes, Hulyo 10, 2023 ni Tagapagsalita Dmitry Peskov ng Kremlin na noong Hunyo 29, nakipagtagpo sa Kremlin si Pangulong Vladimir Putin ng Rusya sa mga komander ng Wagner military group.

 

Ayon kay Peskov, 35 miyembro ng Wagner na kinabibilangan ni Yevgeny Prigozhin, tagapagtatag ng Wagner, ang inanyayahan sa pagtatagpo.

 

Aniya, tinasahan ni Putin ang insidente ng pinaghihinalaang pag-udyok ng Wagner ng paghihimagsik, at ipinagkaloob ang ilang pagpili para sa empleo ng mga miyembro ng Wagner sa hinaharap.

 

Saad ni Peskov, sa panahon ng halos 3 oras na pagtatagpo, inihayag ng mga komander ng Wagner ang kanilang buong tatag na pagsuporta sa lider ng Rusya, at kahandaan ng paglaban para sa kanilang inang bayan.

 

Diin ni Peskov, hindi niya nalaman ang kasalukuyang kapalaran ni Prigozhin.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil