Ayon sa Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina, lumampas sa 20 trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng bansa sa unang hati ng 2023, at ito’y 2.1% na mas mataas kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon.
Kabilang dito, 11.46 trilyong yuan RMB ang halaga ng pagluluwas, na lumaki ng 3.7% kumpara sa gayunding panahon ng nakaraang taon; samantalang pumalo naman sa 8.64 trilyong yuan RMB ang pag-aangkat, na bumaba ng 0.1%.
Ayon pa sa datos, bilang pinakamalaking trade partner ng Tsina, lumago ng 5.4% ang pag-aangkat at pagluluwas ng bansa sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Sa katulad na paraan, lumaki ng 9.8% ang pag-aangkat at pagluluwas ng mga bansang kasali sa Belt and Road Initiative, at 1.5% ang ini-akyat ng pag-aangkat at pagluluwas ng iba pang kasaping bansa ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP).
Salin: Vera
Pulido: Rhio