Wang Yi, dumalo sa China-ASEAN (10+1) Foreign Ministers' Meeting sa Indonesia

2023-07-14 16:19:34  CMG
Share with:

Sa kanyang pagdalo sa Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng China- Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) (10+1), Hulyo 13, 2023, sa Jakarata, Indonesia, sinabi ni Wang Yi, Direktor ng Tanggapan ng Central Commission for Foreign Affairs ng Tsina, na aktibong isinasakatuparan ng Tsina at ASEAN ang layunin at prinsipyo ng Treaty of Amity and Cooperation in Southeast Asia, komprehensibong palawakin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, matagumpay na tumahak sa tumpak na landas ng pangmalayuang pagkakaibigan at magkakasamang kasaganaan.

 


Ani Wang, magkakasamang pinapasulong ng Tsina at ASEAN ang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran, magkakasamang itinatatag ang “Belt and Road Initiative,” magkakasamang pinapasulong ang integrasyon ng panrehiyong ekonomiya, at magkakasamang pinatitibay ang pundasyon ng kapayapaan at katatagan.

 

Magsisikap aniya ang Tsina para sa dekalidad na pag-unlad, ipagkaloob ang bagong pagkakataon para sa iba’t ibang bansa sa pamamagitan ng modernisasyong Tsino.

 

Nakahanda ang Tsina na palakasin ang pagkakaisa at koordinasyon sa ASEAN para pasulungin ang proseso ng modernisasyon ng buong Asya, saad ni Wang.

 

Pinasalamatan naman ng iba’t ibang panig ang Tsina sa pagsuporta ng katayuan ng ASEAN bilang sentro, at ang konstruksyon ng komunidad.

 

Pinapurihan nila ang Tsina na nangungunang ipinahayag ang lagdaan ng Treaty on the Southeast Asia Nuclear-Weapon-Free Zone. Inaasahan ng iba’t ibang panig na walang humpay na pauunlarin ang komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN at matatamo ang bagong bunga.

 

Pinagtibay sa pulong ang Magkasanib na Pahayag sa ika-20 anibersaryo ng pagsapi ng Tsina sa Treaty of Amity and Cooperation in Southeast Asia, at guideline document para sa pagpapabilis ng konklusyon ng Code of Conduct (COC) in the South China Sea.

 

Sa kanyang pagdalo sa pulong, magkakasunod na nakipagtagpo si Wang sa mga ministrong panlabas ng Indonesia, Brunei, Singapore, Vietnam, Russia, Australia at iba pang bansa.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil