Inanunsyo kamakailan ng pamahalaang Amerikano ang pagkakaloob ng karagdagang saklolong militar na nagkakahalaga ng US$800 milyon sa Ukraine, at kabilang dito ay mga pamuksang cluster munition na ipinagbabawal ng batas ng Amerika.
Ang desisyong ito ay tinututulan ng mga bansang kanluranin na gaya ng Espanya, Kanada at Britanya.
Inihayag ni Punong Ministro Rishi Sunak ng Britanya na bilang signataryong bansa ng Convention on Cluster Munitions, hindi ineenkorahe ng Britanya ang paggamit ng ganitong uri ng sandata.
Sa panahon ng Digmaan ng Biyetnam mula noong 1964 hanggang 1973, ibinato ng Amerika ang napakaraming cluster munition sa Biyetnam, Laos at Kambodya, at naapektuhan nang pinakamalubha ng cluster munition ang Laos.
Ayon sa datos ng Pentagon, sa panahon ng Digmaan ng Biyetnam, 580,000 beses ng pagbobomba ang isinagawa ng tropang Amerikano sa Laos, at mahigit 2 milyong toneladang bomba na kinabibilangan ng mga cluster munition ang ginamit.
Kabilang dito, tinatayang 80 milyong cluster munition sa Laos ang hindi pinasabog.
Sapul nang matapos ang digmaang ito, wala pang 1% ng mga di-pinasabog na cluster munition ang inalis, halos 20,000 sibilyan ang namatay dahil dito, at maraming sibilyan ang nasugatan o nagkaroon ng kapansanan.
Ipinalalagay ng dalubhasa sa munisyon na 100 taon ang posibleng kinakailangan, upang alisin ang lahat ng mga di-pinasabog na cluster munition sa Laos.
Bukod sa Laos, malawakang ginamit ng Amerika ang mga cluster munition sa mga digmaan sa Kosovo, Iraq at iba pa.
Noong 2008, nangako ang pamahalaang Amerikano na hindi gagamitin ng tropang Amerikano ang mga cluster munition, at tatakpan ang lahat ng mga cluster munition.
Pero ang mga cluster munition na ipinagkaloob ng Amerika sa Ukraine ay mga sandatang niyari noong nagdaang 40 taon at tinakpan noong nagdaang 15 taon.
Noong isang taon, sinabi ni Jen Psaki, dating Press Secretary ng White House, na ang paggamit ng cluster munition ay posibleng war crime. Isang taon na ang nakaraan, ang Amerika ay nagsilbing kinondena ng sarili mismo.
Sa harap ng kapakanang personal ng Amerika, ano ang kahulugan ng katarungan?
Salin: Vera
Pulido: Ramil