Pagbuo ng kumpletong air defense system, pinaplanong talakayin ng Ukraine sa panahon ng NATO Summit

2023-07-12 16:16:18  CMG
Share with:

Sinabi Lunes, Hulyo 10, 2023 ni Pangulong Volodymyr Zelensky ng Ukraine na binabalak niyang talakayin, kasama ng mga bansang Europeo, Amerika, Kanada, Hapon at ibang bansa ang hinggil sa pagbuo ng isang kumpletong air defense system para sa Ukraine, sa panahon ng Summit ng North Atlantic Treaty Organization (NATO).

 

Samantala, inihayag Hulyo 11 ni Tagapagsalita Dmitry Peskov ng Kremlin na kitang-kita sa Summit ng NATO sa Vilnius ang malinaw at sentralisadong esensya kontra Rusya.

 

Aniya, mahigpit na sinusubaybayan ng panig Ruso ang kaukulang kalagayan, upang isagawa ang katugong hakbangin sa paggarantiya sa sariling kaligtasan.

 

Binuksan Martes sa Vilnius, kabisera ng Lithuania, ang 2-araw na Summit ng NATO.

 

Sa komunike ng summit na inilabas nang araw ring iyon, walang imbitasyon sa pagsapi ng Ukraine.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil