Ipinahayag Hulyo 13, 2023, ni Shu Jueting, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na bukas at malugod na tinatanggap ng Tsina ang gagawing pagdalaw sa Tsina ni US Secretary of Commerce Gina Marie Raimondo.
Aniya, patuloy na nagsisikap ang Tsina para lutasin ang pagkabahala ng dalawang panig sa larangang pangkabuhayan at pangkalakalan sa pamamagitan ng diyalogo, at pasulungin ang pragmatikong kooperasyon.
Ipinahayag ni Shu na nitong ilang taong nakalipas, sa iba’t ibang katwiran na kinabibilangan ng umano’y pambansang seguridad, karapatang pantao, isyung may kinalaman sa Xinjiang, Iran, Rusya, fentanyl at iba pa, inilagay ng Amerika ang Tsina sa blacklist ng sangsyon, na malubhang nakakapinsala sa lehitimong karapatan at kapakanan ng mga kumpanyang Tsino.
Buong tatag na tinututulan ito ng Tsina at hiniling nito sa Amerika na agarang itigil ang di-makatuwirang pag-atake sa mga kumpanyang Tsino, kanselahin ang unilateral na sangsyon sa mga kumpanyang Tsino, para aktuwal na ibigay ang positibong enerhiya sa kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Amerika, saad ni Shu.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil