Premyer Tsino: Pagpapalakas ng kooperasyon, tamang pagpili para sa Tsina at Amerika

2023-07-08 18:57:20  CMG
Share with:

 

Nakipagtagpo kahapon, Hulyo 7, 2023, sa Beijing, si Premyer Li Qiang ng Tsina kay Janet Yellen, Kalihim ng Tesorarya ng Amerika.

 

Sinabi ni Li, na kinakailangan ng daigdig ang matatag na relasyong Sino-Amerikano, at ang pagpapalakas ng kooperasyon ay tamang pagpili para sa kapwa bansa.

 

Ipinahayag niya ang pag-asang, batay sa paggalang sa isa’t isa, mapayapang pakikipamuhayan, at win-win na kooperasyon, magkakaroon ang Amerika ng makatwiran at pragmatikong atityud at magsisikap kasama ng Tsina, para ibalik sa lalong madaling panahon ang relasyon ng dalawang bansa sa tumpak na landas.

 

Dagdag ni Li, dapat palakasin ng Tsina at Amerika ang pag-uugnayan, at marating ang mga komong palagay sa mga mahalagang bilateral na isyu ng kabuhayan, para magbigay ng matatag at positibong elemento sa relasyong pangkabuhayan ng dalawang bansa.

 

Sinabi naman ni Yellen, na hindi hinahangad ng Amerika ang "decoupling" sa Tsina.

 

Nakahanda aniya ang Amerika, kasama ng Tsina, na palakasin ang pag-uugnayan, iwasan ang mga maling pag-uunawaan na dulot ng mga pagkakaiba, pasulungin ang kooperasyon sa mga aspekto ng pagpapatatag ng makro-ekonomiya at pagharap sa mga pandaigdigang hamon, at isakatuparan ang mutuwal na kapakinabangan at win-win na kalagayan ng kabuhayan ng Amerika at Tsina.


Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos