Sa kanyang pakikipagtagpo Hulyo 14, 2023, sa Jakarta, Indonesia, kay European Union (EU) High Representative for Foreign Affairs and Security Policy Josep Borrell, ipinahayag ni Wang Yi, Direktor ng Tanggapan ng Komisyon ng mga Suliraning Panlabas ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), na walang pangunahing alitan ng interes sa pagitan ng Tsina at Europa.
Aniya, dapat lalo pang linawin ng Europa ang posisyon ng estratehikong partnership ng dalawang panig, pasulungin ang relasyon ng Tsina at Europa batay sa kasalukuyang pundasyon.
Hindi dapat mag-alinlangan at lalo pang enkorahehin ng EU ang mga pananalita at aksyon ng pagpapa-atras ng relasyon ng dalawang panig, dagdag ni Wang.
Ipinahayag naman ni Borrell na ang Tsina ay mahalagang partner ng EU, maliwanag at kumpirmado ito. Buong tatag aniyang nananangan ang Europa sa patakarang isang Tsina, at hindi sumusuporta sa “pagsasarili ng Taiwan.”
Nakahanda ang EU na panatilihin ang malakas na pakikipag-ugnayan sa Tsina at bumuo ng matatag at pangmatagalang relasyon, dagdag niya.
Binigyang-diin din ni Borrell, na hindi sinusuportahan ng EU ang antogonism at parallel system. Walang intensyon ang EU na hadlangan ang pag-unlad ng Tsina, aniya pa.
Nagpalitan din ng kuru-kuro ang dalawang panig hinggil sa isyu ng Ukraine. Ipinahayag ni Wang na sinusuportahan ng Tsina ang pagtatag ng pantay, mabisa, at sustenableng balangkas na panseguridad ng Europa. Nagsisikap aniya ang Tsina para pasulungin ang talastasang pangkapayapaan para ganapin ang konstruktibong papel para lutasin ang krisis sa pamamagitan ng pulitikal na paraan.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil