Sa kanyang pakikipagtagpo Hulyo 18, 2023, sa Beijing, kay John Kerry, Special Presidential Envoy for Climate ng Amerika, ipinahayag ni Li Qiang, Premyer ng Tsina, na bilang tugon sa napakahirap na tungkulin ng daigdig ng pagharap sa pagbabago ng klima, kailangang palakasin ng iba’t ibang bansa na kinabibilangan ng Tsina at Amerika, ang koordinasyon, dagdagan ang komong palagay, at pabilisin ang mga aksyon.
Sina Premyer Li Qiang ng Tsina at John Kerry, Special Presidential Envoy for Climate ng Amerika (Photo from Xinhua)
Sinabi ni Li, na dapat sundin ang mga target at prinsipyo sa United Nations Framework Convention on Climate Change at Paris Agreement.
Aniya, batay sa prinsipyong komon pero magkakaibang responsibilidad, dapat pangunahan ng mga maunlad na bansa ang pagbabawas ng emisyon, at ipatupad ang kanilang pinansyal na pangako sa lalo madailng panahon, at dapat naman magbigay ng ambag hangga’t maaari ang mga umuunlad na bansa.
Sa pagpapasulong ng berde at low-carbon na pag-unlad sa buong daigdig, dapat ibigay ng mga maunlad na bansa ang mas maraming suportang panteknolohiya sa mga umuunlad na bansa, dagdag niya.
Ipinahayag din ni Li ang pag-asang igagalang ng Tsina at Amerika ang mga nukleong pagkabahala ng isa’t isa sa isyu ng pagbabago ng klima, tatalakayin ang mas pragmatikong institusyonal na kooperasyon, pasusulungin ang multilateral na pagsasaayos ng klima, at igagarantiya ang komprehensibo at mabisang pagsasagawa ng Paris Agreement.
Samantala, ipinahayag ni Kerry na ang Amerika at Tsina ay unang dalawang pinakamalaking ekonomiya sa daigdig, at unang dalawang bansang may pinakamalaking carbon emission.
Nakahanda aniya ang Amerika na palakasin ang pakikipagkooperasyon sa Tsina para magkasamang harapin ang mga pandaigdigang hamong tulad ng pagbabago ng klima, at pasulungin ang pagtamo ng tagumpay ng Ika-28 Conference of the Parties to the United Nations Framework Convention on Climate Change.
Salin:Sarah
Pulido:Liu Kai