Solusyon sa pagbabago ng klima, kooperasyon ng sangkatauhan

2022-12-31 16:31:56  CMG
Share with:

Ano ang nangyari sa daigdig?

 

Madalas maganap sa taong 2022 ang mga grabeng klima at natural na sakuna sa iba’t-ibang lugar sa mundo.

 

Ayon sa isang siyentistang Amerikano noong Mayo, ang konsentrasyon ng carbon dioxide sa atmospera ay umabot na sa pinakamataas na lebel sapul nang ito’y mairekord.


Maliban diyan, napakabilis ding natutunaw ang mga ice sheet at glacier sa South Pole, North Pole at Eurasia.

 

Sa Provisional State of the Global Climate 2022 na inilabas ng World Meteorological Organization, milyun-milyong tao ang apektado ng napakainit na panahon, tagtuyot at baha ngayon taon.

Idinulot din ng naturang mga sakuna ang napakalaking pagkasira ng mga ari-arian.

 

Ang krisis ng pagbabago ng klima ay hindi lamang hamon sa malayong kinabukasan, kundi maging banta sa kasalukuyan, at ito’y kailangang harapin ng lahat ng bansa sa daigdig at buong sangkatauhan.



Ano ang dapat natin gawin?

 

Ang kooperasyon ay siyang tanging paraan upang maharap ang pagbabago ng klima.

 

Ayon sa pandaigdigang batas, kailangang isabalikat ng mga bansa ang kani-kanilang responsibilidad batay sa sariling situwasyon.


Ayon kay Saara Chaudry, dalubhasa sa kapaligiran ng Unibersidad ng Nairobi, dahil mas malaki ang emisyon ng greenhouse gas at kakayahang pinansiyal at teknolohikal ng mauunlad na bansa, dapat maging mas malaki ang kanilang responsibilidad sa paglutas ng isyung ito.

 

Ngunit, ilang maunlad na bansa ang walang paki-alam.


Di-makatuwiran nilang hiniling sa mga bansang Aprikanong may napakaliit ang carbon emission (3% lamang ng kabuuang emisyon ng buong mundo), na gampanan ang parehong obligasyon sa pagbabawas ng emisyon ng karbon.

 

Kaugnay nito, idinaos ng mahigit 200 bansa, Nobyembre 2022 sa Sharm el Sheikh, Ehipto ang Ika-27 Sesyon ng Conference of the Parties (COP27) to the United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC).


Pinagtibay sa naturang komperensya ang pagtatatag “Loss and Damage Fund” upang tulungan ang mahihinang umuunlad na bansa sa pagharap sa mga sakunang pangklima.

 

Ang pagkakapatibay sa “Loss and Damage Fund,” ani Zhu Weidong, mananaliksik ng Chinese Academy of Social Sciences ay napakahalagang tagumpay para sa mga umuunlad na bansa, at tagumpay rin para sa lahat ng mga mamamayan ng daigdig.


Bilang pinamalaking umuunlad na bansa, palagiang isinasagawa ng Tsina ang mga aktuwal na aksyon sa pagharap sa pagbabago ng klima.


Nitong nakaraang mga taon, pinapalalim ng Tsina ang South-South Cooperation sa harap ng pagbabago ng klima at tinutulungan, sa abot ng makakaya, ang mga umuunlad na bansa na pataasin ang kanilang kakayahan, sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga proyekto ng solar power, pagkumpuni sa mga pasilidad, at iba pa.


Walang anumang bansa ang maaaring sarilinang lumutas sa mga hamong pandaigdig, kaya dapat palakasin ng mga bansa ang kooperasyon at isabalikat ang kani-kanilang responsibilidad, upang magkakasamang harapin at masolusyunan ang pagbabago ng klima.

 

Salin: Kulas

Pulido: Rhio