CMG Komentaryo: Ang tunay na layunin ng Amerika sa pagpapasulong ng relasyon sa mga bansa sa South Pacific Ocean

2023-07-27 16:36:36  CMG
Share with:

Kamakailan, magkahiwalay na dumalaw ang mga mataas na opisyal ng Amerika sa mga bansa sa South Pacific Ocean na gaya ng Tonga at Papua New Guinea.


Ang mga naturang opisyal na Amerikano ay sina Kalihim Antony Blinken ng Estado at Kalihim Lloyd Austin ng Pentagon ng Amerika, ito ay nagpapakitang buong sikap na nagpapalakas ang Amerika ng impluwensiya nito sa rehiyong ito.


Bukod dito, idinaos ng Amerika ang unang summite ng Amerika at mga bansang isla sa Pasipiko, at ipinangako ng Amerika na ipagkakaloob ang halos 7.1 bilyong pautang sa mga bansa sa rehiyong ito sa loob ng darating na 20 taon.


Ang ganitong atityud at aksyon ng Amerika sa mga bansa sa South Pacific Ocean ay bihirang makita pagkatapos ng Cold War.


Sa totoo lang, noong panahon ng Cold War, ginamit minsan ng Amerika ang rehiyon ng timog Pasipiko bilang lugar ng pagsubok ng sandatang nuklear at pagtitipon ng mga pasurang nuklear.


Bakit binago kamakailan ng Amerika ang atityud at patakaran sa mga bansa sa Timog Pasipiko? Tinukoy ng Washington Post na ito’y bilang tugon sa lumalakas na impluwensiya ng Tsina sa rehiyong ito, lalo na sa pagkapinsala sa kooperasyon sa pagitan ng Tsina at mga bansa sa rehiyong ito.


Para sa mga bansa sa rehiyong ito, ang kinakailangan nila ay ang pagharap sa hamon na dulot ng pagbabago ng klima at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan, sa halip na, pagsangkot sa geopolitics competition na isinagawa ng Amerika.


Nitong mahigit 10 taong nakalipas, isinagawa ng Tsina at mga bansa sa rehiyong ito ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan sa pundasyon ng paggalang sa isa’t isa. Ang ganitong kooperasyon ay nagdulot ng aktuwal na kapakanan sa mga bansa sa rehiyong ito.


Kumpara sa Tsina, mabagal ang pagsasakatuparan ng Amerika ng pangako nito sa pagbibigay tulong sa mga bansa sa Timog Pasipiko, at mas mahilig ang Amerika sa pagpapasulong ng kooperasyong pulitikal at panseguridad sa mga bansa sa rehiyong ito para mapigilan ang impluwensiya ng Tsina.


Pero hindi kayang baguhin ng Amerika ang determinasyon ng mga bansa sa Timog Pasipiko sa paggigiit ng nagsasariling pag-unlad at pagpapasulong ng kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan sa Tsina.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil