Pagbisita ng EU foreign policy chief, malugod na tinatanggap ng Tsina

2023-08-07 15:57:30  CMG
Share with:

Malugod na tinatanggap ng Tsina si Josep Borrell, High Representative para sa mga Suliraning Panlabas at Patakarang Panseguridad ng Unyong Europeo (EU), at kanyang delegasyon, na bibisita sa Tsina sa taglagas, na bilang paghahanda para sa malawak at malalimang pagpapalitan ng mga lider ng dalawang panig.

 

Winika ito Linggo, Agosto 6, 2023, ni Wang Yi, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Ministrong Panlabas ng bansa, sa isang tawag sa telepono kay Borell.

 


Ipinahayag naman ni Borrell ang kanyang malalim na pakikiramay sa mga nasalanta ng kalamidad kamakailan sa Tsina dulot ng malakas na ulan at baha.

 

Idiniin niyang matatag na nagsisikap ang EU para paunlarin ang mapagkaibigang relasyon sa Tsina. Sinabi niyang ang estratehiya ng Global Gateway ng EU at Belt and Road Initiative ng Tsina ay hindi magkasalungat ngunit komplementaryo dahil naglalayon itong isulong ang pandaigdigang pag-unlad.

 

Dagdag pa niya na umaasa siyang makakabisita sa Tsina para isagawa ang estratehikong diyalogo sa lalong madaling panahon, maghanda para sa EU-China Summit sa taong ito, at lalo pang pasulungin ang pagpapaunlad ng relasyong EU-Tsina.

 

Malugod na tinatanggap ni Wang si Borrell at kanyang delegasyon na bumisita sa Tsina ngayong taglagas, at umaasa siyang makakapagsagawa ang Tsina at EU ng higit pang mga diyalogo at pagpapalitan.

 

Aniya, ang partnership ay pinakamahalagang katangian ng relasyong Tsina-EU at palagiang iginigiit ng Tsina ang positibong aksyon sa pagpapasulong ng relasyon ng dalawang panig. Lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang nalalapit na summit at inaasahan ng Tsina na ang pulong ay gaganap ng mahalagang papel sa pagpapasulong ng relasyong Tsina-EU at bilateral na kooperasyon, dagdag ni Wang.

 

Bukod dito, nagpalitan sa telepono ng kuru-kuro ang dalawang panig hinggil sa isyu ng Ukraine, Niger, at iba pang isyung panrehiyon at mga internasyonal na isyu na kapuwa nilang pinahahalagahan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil