Ika-4 na Diyalogo sa Mataas na Antas ng Kapaligiran at Klima ng Tsina at EU, ginanap

2023-07-25 16:06:40  CMG
Share with:

Beijing, Tsina - Ginanap Hulyo 4, 2023 ang Ika-4 na Diyalogo sa Mataas na Antas ng Kapaligiran at Klima sa pagitan ng Tsina at Unyong Europeo (EU).

 

Kasali rito sina Ding Xuexiang, Pangalawang Premyer ng Tsina, at Frans Timmermans, Executive Vice President ng European Commission.

 

Pinag-ukulan ng diyalogo ng pansin ang pamamaraan ng kooperasyon ng kapuwa panig sa pagpapasulong sa pagpapatupad ng United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC), Paris Agreement, at Kunming-Montreal Global Biodiversity Framework (GBF).

 


Tinalakay ng magkabilang panig ang sariling patakaran at aksyon sa kapaligiran at klima, pagpapalalim ng bilateral na kooperasyon sa kapaligiran at klima, magkasamang pagpapasulong sa multilateral na prosesong pandaigdig at iba pang paksa.

 

Kapuwa inulit nina Ding at Timmermans ang pangako at sigasig ng sariling panig sa pagharap sa pagbabago ng klima at pangangalaga sa kapaligiran.

 

Determinado silang isagawa ang kooperasyon sa mga larangang kapuwa nilang pinahahalagahan.

 

Diin nila, dapat lubos na gamitin ang plataporma ng ganitong diyalogo, regular na idaos ang diyalogo sa mataas na antas, palakasin ang pag-uugnayan at koordinasyon ng kapuwa panig, at palalimin ang kooperasyon sa mga pangunahing larangan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil