Ika-13 Economic at Trade Ministers Meeting ng mga bansang BRICS, nakamit ang 5 mahahalagang bunga

2023-08-09 17:06:25  CMG
Share with:

Ipinahayag Agosto 8, 2023, ng Ministri ng Komersyo ng Tsina (MOC) na, sa video meeting ng Ika-13 Pulong ng Economic at Trade Ministers ng mga bansang BRICS na idinaos Agosto 7, 2023, malalim na tinalakay ng mga kalahok ang isang serye ng mahalagang tema at narating ang mga komong palagay.

 


Natamo ng pulong ang mahalagang bunga sa limang larangan:

 

Una, dapat palakasin ng BRICS ang kooperasyon sa mga bagong larangang tulad ng digital economy, berdeng pag-unlad at iba pa.

 

Pangalawa, dapat palakasin ang aktuwal na kooperasyon sa mga pangunahing larangan na tulad ng seguridad at kaligtasan ng supply chain, pagsuporta sa pag-unlad ng mga maliliit, katamtaman na kumpanya at micro enterprise.

 

Pangatlo, gumawa ng komong palagay hinggil sa pagpapalakas ng sistema ng multilateral na kalakalan at reporma ng World Trade Organization (WTO). Inulit sa pulong na dapat suportahan at palakasin kasama ng WTO, ang sistema ng multilateral na kalakalan, at magkakasamang magpunyagi upang lumahok sa reporma ng WTO sa konstruktibong atityud.

 

Pangapat, dapat koordinahin ang mga posisyon sa mga pangunahing internasyonal na isyu sa ekonomiya at kalakalan. Binigyan-diin na ang pagsasakatuparan ng patakaran at pagtatakda ng regulasyon na may kaugnay ng pagbabago ng klima ay dapat sumunod sa prinsipyo ng “Common but Differentiated Responsibilities.”

 

Panglima, narating sa pulong ang mga komong palagay hinggil sa pagpapalawak ng kooperasyon ng “BRICS+.”

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil