Embahadang Tsino sa Pilipinas: palagian at matatag ang paninindigan ng Tsina sa isyu ng Ren'ai Jiao

2023-08-09 17:09:21  CMG
Share with:

Ipinahayag Agosto 8, 2023, ng tagapagsalita ng Embahadang Tsino sa Pilipinas, na sa mula't mula pa'y, ang Ren'ai Jiao ay bahagi ng Nansha Islands ng Tsina. Palagian at matatag ang paninindigan ng Tsina hinggil dito.

 

Aniya, palagiang nagsisikap ang Tsina para mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng South China Sea.

 

Sa humanitarian approach, isinagawa ng Tsina ang temporary special arrangements para sa Pilipinas na maghahatid ng mga kinakailangang suplay ng pamumuhay, na gaya ng pagkain, sa "naka-ground" na military vessel sa Ren'ai Jiao.

 

Pero, nitong ilang panahong nakalipas, isinasagawa ulit ng Pilipinas ang unilateral na aksyon, at hinangad na ayusin at palakasin ang "naka-ground" na military vessel para sa permanenteng pag-okupa ng Ren'ai Jiao.

 

Ang aksyon ng Pilipinas ay malubhang lumalabag sa pandaigdigang batas at Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC).

 

Paulit-ulit na nakikipag-ugnayan ang Tsina sa Pilipinas sa pamamagitan ng diplomatikong tsanel hinggil sa Ren'ai Jiao at hinihiling sa Pilipinas na huwag ihatid ang materiyal ng konstruksyon sa "naka-gound" na military vessel.

 

Iminungkahi din ng Tsina na isagawa ang talastasan ng dalawang panig sa lalo madaling panahon upang maayos na mahawakan ang isyung pandagat ng kapuwa panig.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil