Kaugnay ng isyung may kinalaman sa Ren’ai Jiao, inihayag Martes, Agosto 8, 2023 ni Tagapagsalita Wu Qian ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina na patuloy na isasagawa ng panig Tsino ang kinakailangang hakbangin, upang buong tatag na ipagtanggol ang soberanya ng bansa.
Nanawagan din siya sa panig Pilipino na sundin ang pangako, at agarang itigil ang lahat ng mga probokatibong aksyon.
Saad ni Wu, may soberanya ang Tsina sa Nansha Islands na kinabibilangan ng Ren’ai Jiao, batay sa lubos na batayang historikal at hurisprudensyal.
Nitong nakalipas na isang panahon, lumabag ang panig Pilipino sa kaukulang pangako, at nagtangkang ihatid ang suplay ng pagkukumpuni at pagpapatibay sa ilegal na sumasadsad na bapor-pandigma nito. Ang aksyong ito ay lumapastangan sa soberanya ng Tsina, at lumabag sa Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC), dagdag niya.
Tinukoy rin ni Wu na nagbulag-bulagan sa katotohanan ang kaukulang pananalita ng panig Amerikano, at walang batayang bumatikos sa lehitimong aksyon ng Tsina sa pangangalaga sa karapatang pandagat at pagpapatupad ng batas.
Buong tatag na tinututulan ito ng panig Tsino, aniya.
Salin: Vera
Pulido: Ramil