PM Lee Hsien Loong ng Singapore, nakipagtagpo sa ministrong panlabas ng Tsina

2023-08-11 16:07:06  CMG
Share with:

Nakipagtagpo Biyernes, Agosto 11, 2023 si Punong Ministro Lee Hsien Loong ng Singapore kay Wang Yi, dumadalaw na Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina.

 

Saad ni Wang, noong Marso ng taong ito, magkasamang inanunsyo ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, kasama ni Punong Ministro Lee ang pagpapataas ng relasyong Sino-Singaporean sa komprehensibo at de-kalidad na partnership na nakatuon sa hinaharap, bagay na lumikha ng bagong prospek sa kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan sa mataas na lebel ng kapuwa panig.

 

Nananalig aniya siyang sa ilalim ng estratehikong patnubay ng mga lider ng dalawang bansa, patuloy na mangunguna sa relasyon ng Tsina sa mga kapitbansa ang relasyong Sino-Singaporean.

 


Binigyan naman ni Lee ng mataas na pagtasa ang determinasyon at sigasig ng Tsina sa pagpapasulong sa modernisasyon.

 

Aniya, magkasamang pasusulungin ng magkabilang panig ang walang humpay na pag-usad ng kanilang kooperasyon, at lilikhain ang bagong kinabukasan ng bilateral na relasyon.

 

Dagdag ni Lee, hindi mapayapa ang kasalukuyang daigdig, kaya inaasahan niyang gagampanan ng malalaking bansa ang namumunong papel, upang hanapin ang mutuwal na kapakinabangan at win-win na situwasyon.

 

Kinakatigan ng Singapore ang pagpapalalim ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ng kooperasyon, at magkasamang pangangalaga sa kapayapaan, katatagan at kaunlaran ng rehiyon, aniya.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil