Nagtagpo Huwebes, Agosto 10, 2023 sa Singapore sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Vivian Balakrishnan, Ministrong Panlabas ng Singapore.
Binigyan ng kapuwa panig ng positibong pagtasa ang mainam na tunguhin ng pag-unlad ng relasyong Sino-Singaporean.
Inihayag nilang batay sa estratehikong patnubay ng mga lider ng dalawang bansa, gagawing pagkakataon ang pagpapataas ng bilateral na relasyon sa komprehensibo at de-kalidad na partnership na nakatuon sa hinaharap, upang tuluy-tuloy na pasulungin ang de-kalidad na kooperasyon ng Belt and Road.
Pasusulungin din ng kapuwa panig ang walang humpay na pagtamo ng konektibidad at kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan ng mga bagong bunga, para ihatid ang mas maraming benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa at rehiyon.
Gagawin din ng magkabilang panig ang mabuting paghahanda para sa pulong ng mekanismo ng bilateral na kooperasyon sa antas ng pangalawang punong ministro na gaganapin sa loob ng kasalukuyang taon, babalakin ang kooperasyon sa susunod na yugto, at palalawakin ang mga bagong larangan ng kooperasyon.
Binigyan ng panig Singaporean ng mataas na pagtasa ang mga hakbangin sa pagpapadali ng pagpapalitang tao-sa-tao na isinasagawa kamakailan ng Tsina.
Pabibilisin ng kapuwa panig ang komprehensibong pagpapanumbalik ng mga direktang flight sa pagitan ng dalawang bansa, at pahihigpitin ang pagpapalitan at pagtutulungan sa kabuhayan, kalakalan, pagpapalitang tao-sa-tao, turismo at iba pa.
Nagpalitan din sila ng kuru-kuro sa mga paksang panrehiyon at pandaigdig.
Sang-ayon silang palalakasin ang pag-uugnayan at pagkokoordinahan, magkasamang pasusulungin ang pagtamo ng isang serye ng mga pulong ng mga lider ng kooperasyon ng Silangang Asya ng positibong bunga, at magkasamang ipagtanggol ang kapayapaan, katatagan, kaunlaran at kasaganaan ng rehiyon.
Salin: Vera
Pulido: Ramil