China Coast Guard, inalis ang mga bapor ng Pilipinas mula sa territorial waters

2023-08-06 18:14:26  CMG
Share with:

Ayon sa tagapagsalita ng China Coast Guard, inalis nila kahapon, Agosto 5, 2023, ang dalawang repair ship at dalawang coast guard ship ng Pilipinas sa territorial waters ng Tsina na malapit sa Ren'ai Jiao, bahagi ng Nansha Islands sa South China Sea.

 

Ayon pa rin sa tagapagsalita, may lulang mga building material ang mga repair ship ng Pilipinas, at ang mga aksyon ng panig Tsino ay may pangangailangan at alinsunod sa batas.

 

Sinabi ng tagapagsalita, na di-mapabubulaan ang soberanya ng Tsina sa Nansha Islands at nakapaligid na karagatan, at hinihiling ng panig Tsino sa panig Pilipino na itigil ang mga aktibidad na sumasabotahe sa soberanya ng Tsina sa rehiyong ito.

 

Ayon sa batas, patuloy na isasagawa ng China Coast Guard ang mga aksyon ng pagpapatupad ng batas sa karagatan sa ilalim ng hurisdiksyon ng bansa, dagdag ng tagapagsalita.


Editor: Liu Kai