Kinumpirma kamakailan ng Tokyo Electric Power Company (TEPCO) ang pagtagas ng nuclear-contaminated na tubig mula sa Fukushima Daiichi Nuclear Power Plant dahil sa isang nabasag na hose na ginagamit sa paghahatid ng nuclear-contaminated na tubig.
Kaugnay nito, ipinahayag Agosto 17, 2023, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na hinimok muli ng Tsina ang Hapon na hawakan ang nuclear-contaminated na tubig sa responsableng paraan, at tanggapin ang pagsusuperbisa ng komunidad ng daigdig.
Ani Wang, ang muling pagtagas ng nuclear-contaminated na tubig ay nagbibigay ng paglala ng pagkabalisa ng komunidad ng daigdig hinggil sa kawalang kakayahan ng TEPCO sa nitong pamamahala, at kawalan ng bisa ng pagsusuperbisa ng pamahalaang Hapones.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil