Ulat ng IAEA, walang greenlight para sa paghawak ng Hapon ng nuklear na kontaminadong tubig – MOFA

2023-07-05 15:41:48  CMG
Share with:

Ayon sa ulat, inilabas ng International Atomic Energy Agency (IAEA) ang komprehensibong ulat sa paghawak ng Hapon ng nuklear na kontaminadong tubig ng Fukushima Daiichi Nuclear Power Station.

 

Ipinalalagay ng ulat na ang plano ng Hapon sa pagtapon ng nuklear na kontaminadong tubig sa dagat ay umangkop sa kabuuan sa pandaigdigang pamantayang panseguridad, at isasagawa ng IAEA ang pagsusuperbisa at pagsusuri sa kaukulang aksyon ng Hapon sa mahabang panahon.

 

Kaugnay nito, inihayag Martes, Hulyo 4, 2023 ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA) na napansin na ng panig Tsino ang nasabing komprehensibong ulat.

 

Napag-alamang hindi lubos na ipinakikita ng naturang ulat ang kuru-kuro ng lahat ng mga dalubhasa ng iba’t ibang panig sa gawain ng pagtasa, at hindi buong pagkakaisang kinikilala ng mga dalubhasa ang kaukulang konklusyon, dagdag ng MOFA.

 

Ikinalulungkot ng panig Tsino ang dali-daling paglabas ng IAEA ng nasabing ulat.

 

Ipinalalagay ng panig Tsino na ang ulat ng IAEA ay walang “shield” o “greenlight” para sa pagtapon ng Hapon ng nuklear na kontaminadong tubig sa dagat.

 

Anang ministri, dahil sa limitadong mandato, hindi sinuri ng IAEA ang pagiging lehitimo ng plano ng Hapon sa pagtapon ng nuclear sewage sa dagat, hindi tinasa ang pagiging mabisa ng mga purification facility sa mahabang panahon, at hindi kinumpirma ang katunayan at kawastuhan ng mga datos ng nuklear na kontaminadong tubig ng Hapon, kaya limitado at kulang ang kaukulang konklusyon.

 

Anito, napansin ng panig Tsino ang pahayag ni Direktor Heneral Rafael Mariano Grossi na ang pagsusuri at pagtasa ng IAEA ay isinagawa sa ilalim ng kahilingan ng pamahalaang Hapones, at hinding hindi ito pag-eendorso sa pagtatapon ng Hapon ng nuclear sewage sa dagat.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil