Pangulong Tsino, nangulo sa pulong hinggil sa paglaban sa baha at rekonstruksyon pagkatapos ng kalamidad

2023-08-18 16:55:08  CMG
Share with:

Nangulo at nagtalumpati Agosto 17, 2023, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, sa pulong ng Pirmihang Komite ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), hinggil sa pag-aaral at pagsasaayos ng mga gawain ng pag-iwas at paglaban sa baha at restorasyon at rekonstruksyon pagkatapos ng kalamidad.

 

Ayon sa pulong, dahil ang Tsina ay nasa pangunahing panahon ng baha, pag-uulan, bagyo, at iba pang kalamidad, madalas pa ring nangyayari ito sa maraming lugar sa buong bansa.

 

Kaya, dapat gawing priyoridad ng mga kinauukulang lokalidad at departamento ang kaligtasan ng buhay ng mga mamamayan at ari-arian, at patuloy na gumawa ng mahusay na trabaho sa paglaban sa baha at panaklolo pagkatapos ng kalamidad.

 

Dapat epektibong gamitin ang disaster relief fund, para sa pagkukumpuni ng mga sinirang imprastruktura na tulad ng transportasyon, komunikasyon, kuryente at iba pa, at ibalik ang mga sakaha at pasilidad ng agrikultura, sinabi sa pulong.

 

Binigyan-diin din sa pulong ang restorasyon ng mga paaralan, ospital, nursing homes, at mga sinirang bahay, para igarantiya ang pagbalik ng mga apektadong mamamayan sa tahanan o ilipat sa mga bagong tahanan bago ang taglamig.

 

Hinimok sa pulong na dapat pasulungin ang kakayahan ng bansa sa pag-iwas sa sakuna, pagpapagaan at pagtulong, lalo pang palakasin ang pangkagipitang sistema sa lahat ng antas, pataasin ang kakayahan ng rehiyonal na pangkagipitang sentro ng pagliligtas sa buong bansa.

 

Nanawagan din ang pulong para sa pagpapahusay ng pag-iwas sa kalimidad at at kapasidad ng pagtugon sa emerhensiya sa mga antas ng katutubo.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil