1.46 bilyong yuan na pangkagipitang laang-gugulin, muling inilaan ng Tsina para sa relief works

2023-08-11 15:41:38  CMG
Share with:

Kaugnay ng malubhang kalamidad ng bagyo at baha sa Beijing, Tianjin, lalawigang Hebei at hilagang silangan ng Tsina, muling inilaan Biyernes, Agosto 11, 2023 ng Ministri ng Pananalapi at Ministri ng Emergency Management ng bansa ang 1.46 bilyong yuan RMB na laang-gugulin, upang suportahan ang mga gawain ng pagpigil sa baha at pagliligtas ng nasabing mga lugar.

 


Gagamitin ang pondong ito, para sa pagbibigay-tulong sa mga apektadong mamamayan, paggarantiya sa kanilang pundamental na pamumuhay, mabilis na pagkukumpuni at muling pagtatatag ng mga nasirang pabahay, at iba pang suliranin.

 

Sapul nang pumasok sa panahon ng baha, inilaan na ng sentral na pananalapi ng Tsina ang halos 7.74 bilyong yuan na pondong panaklolo.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil