
Entrance gate ng 2023 World Robot Conference
Miyerkules, Agosto 17, 2023, idinaos sa Beijing Etrong International Exhibition and Convention Center ang 2023 World Robot Conference (WRC) na nagbahagi ng makabagong tekonolohiya sa larangan ng robotics.

Hallway ng 2023 World Robot Conference
Binubuo ng tatlong seksyon, kasama ng forum, exhibition at kompetisyon, ang WRC ay nakatutok sa mga bagong uso ng teknolohiya at industriya ng robot.

Mga robotic arm para sa paggawa ng kotse

Mga halimbawa ng industrial robotic arm
Itinampok dito ang mahigit kumulang 600 cutting-edge robot na may iba’t ibang aplikasyon ng robotic innovation sa iba’t ibang sektor tulad ng pagmamanupaktura, agrikultura, kalakalan at logistic, medikal at kalusugan, negosyo, emerhensiya, at matinding mga applikasyon sa kapaligiran.

Dalawang bionic men na sina Li Bai at Du Fu
Binigyan buhay ng dalawang bionic men sina Li Bai at Du Fu, dalawang sinaunang makatang Tsino ng Dinastiyang Tang (618-907), ay katulad ng mga tao sa hitsura, pag-uugali at pakikipag-ugnayan.

Mga robot dog
Robot dog na may kakahayang lumakad, tumalon, magtumbling na parang totoong aso, ito ay ginawa upang makatulungon sa pang araw-araw na buhay.

Robot barista
Hinangaan ng mga bisita ang eye-catching fully automated robot barista na may kakayahan magsalita at magsilbi sa mga customer.
Gaganapin ang 2023 WRC sa Beijing mula Agosto 16 hanggang 22.
Ulat/Kuhang larawan: Ramil Santos