Ayon sa opisyal na website ng Ministring Panlabas ng Tsina, ipinatawag Agosto 22, 2023, ni Pangalawang Ministrong Panlabas Sun Weidong ng Tsina, si Hideo Tarumi, Embahador ng Hapon sa Tsina, para ilahad ang solemnang representasyon sa kapasiyahan ng pamahalaang Hapones na sisimulan Agosto 24, 2023, ang pagtatapon ng nuclear-contaminated water sa dagat. Ikinababalisa at mahigpit na tinututulan ito ng Tsina.
Tinukoy ni Sun na ang Fukushima nuclear disaster ay isa sa mga pinakamalubhang aksidente sa buong daigdig hanggang ngayon, at ito ay nagresulta ng malaking tagas ng radioactive material, na mayroong pangmalayuang epekto sa kapaligiran ng dagat, kaligtasan ng pagkain, at kalusugan ng sangkatauhan.
Bilang pagsuway sa matinding pagtutol ng komunidad ng daigdig, iginigiit ng pamahalaang Hapones na nasabing kapasiyahan.
Ang aksyong ito ay mapanganib sa mga kapitbansa ng Hapon, na kinabibilangan ng Tsina, at buong komunidad ng daigdig. Inilalagay ng Hapon ang nitong sariling interes sa itaas ang pangmalayuang benepisyo ng mga mamamayan ng iba’t ibang bansa ng daigdig at irresponsable ito.
Mahigpit na hinihimok ng Tsina ang Hapon na kanselahin ang nitong maling kapasiyahan, itigil ang pagsasagawa ng plano ng pagtatapon ng nuclear-contaminated water sa dagat, at hawakan ang isyung ito sa responsableng kilos, para maiwasan ang pagkasira ng kapaligirang pandagat ng buong mundo.
Kung igigiit ng Hapon ang kapasiyahang ito, isasagawa ng Tsina ang kinakailangang hakbangin para mapangalagaan ang kapaligirang pandagat, kaligtasan ng pagkain at kalusugan ng publiko, diin ni Sun.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil