Kinatawang Tsino, muling hinimok ang Hapon na itigil ang plano sa pagtatapon ng nuklear na kontaminadong tubig sa dagat

2023-07-11 15:43:05  CMG
Share with:

Sa Universal Periodic Review (UPR) ng Hapon sa Ika-53 Sesyon ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) Lunes, Hulyo 10, 2023, muling hinimok ng delegasyong Tsino ang Hapon na itigil ang plano sa pagtatapon ng nuklear na kontaminadong tubig sa dagat.

 

Tinukoy ng kinatawang Tsino na alang-alang sa ekonomikong gastos, binalewala ng panig Hapones ang pagkabahala at pagtutol ng komunidad ng daigdig, at walang pag-aalinlangang ipinasiyang itapon sa Karagatang Pasipiko ang nuklear na kontaminadong tubig.

 

Kahit ano pa ang nilalaman ng ulat ng International Atomic Energy Agency (IAEA), hindi babaguhin ang kapasiyahan ng Hapon na tuluy-tuloy na itapon ang milyun-milyong toneladang nuklear na kontaminadong tubig sa Karagatang Pasipiko sa darating na 30 taon, dagdag ng kinatawang Tsino.

 

Diin ng kinatawang Tsino, muling hinimok ng panig Tsino ang panig Hapones na itigil ang plano sa pagtatapon ng nuclear sewage sa dagat, hawakan ang nuklear na kontaminadong tubig sa pamamagitan ng siyentipiko, ligtas at maliwanag na paraan, at makipagkoordina sa IAEA para itayo sa lalong madaling panahon ang pandaigdigang mekanismo ng pangmalayuang pagsusuperbisa na nilalahukan ng mga may kinalamang panig na kinabibilangan ng mga kapitbansa ng Hapon.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil