Xi at Modi, nag-usap sa sidelines ng BRICS Summit

2023-08-25 16:05:20  CMG
Share with:

Sa sidelines ng Ika-15 BRICS Summit sa Johannesburg, Timog Aprika, nakipag-usap, Agosto 24, 2023, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Punong Ministro Narendra Modi ng India, batay sa kahilingan nito, ayon sa tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina.

 


Sa pag-uusap, malalimang nagpalitan ang dalawang lider ng mga kuru-kuro hinggil sa kasalukuyang relasyong Sino-Indiyano, at ibang isyung kapuwa nilang pinahahalagahan.

 

Binigyan-diin ni Xi na ang pagpapasulong ng relasyong Sino-Indiyano  ay makakabuti sa komong interes ng kapuwa dalawang bansa at mga mamamayan nila, at mahalaga rin para sa kapayapaan, katatagan, at kaunlaran ng rehiyong ito at buong daigdig.

 

Dapat isipin ng Tsina at India ang pangkalahatang interes ng bilateral na relasyon at maayos na hawakan ang isyu ng hangganan, upang magkasamang mapangalagaan ang kapayapaan dito, saad din ni Xi.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil