Pagpapatatag ng relasyong Sino-Indiyano, ipinanawagan ng Tsina

2023-07-15 17:49:22  CMG
Share with:

Sa sidelines ng serye ng mga pulong ng mga ministrong panlabas ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na idinaraos sa Jakarta, Indonesya, nagtagpo, Hulyo 14, 2023, sina Wang Yi, Direktor ng Tanggapan ng Komisyon ng mga Suliraning Panlabas ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), at Subrahmanyam Jaishankar, Ministro ng Ugnayang Panlabas ng Indiya.

 

Sinabi ni Wang, na kinakailangan ang mga aktuwal na aksyon, para patatagin ang relasyon ng Tsina at Indiya.

 

Dapat ding magkaroon ng mutuwal na suporta ang dalawang bansa, sa halip na pagduda sa isa’t-isa, dagdag niya.

 

Sinabi naman ni Jaishankar, na ang normalisasyon ng relasyon ng Indiya at Tsina ay angkop sa komong kapakanan ng dalawang bansa.

 

Nakahanda aniya ang Indiya, kasama ng Tsina, na maayos na hawakan ang mga pagkakaiba, at ibalik ang relasyon ng dalawang bansa sa tumpak na landas, sa lalong madaling panahon.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan