Liham ng apo ni dating Heneral Stilwell ng Amerika, sinagot ni Xi Jinping

2023-08-31 16:20:34  CMG
Share with:

Isang liham ang ipinadala Martes, Agosto 29, 2023 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina bilang sagot kay John Easterbrook, apo ni dating Heneral Joseph Stilwell ng Amerika.

 

Tinukoy ni Xi na bilang matagal nang kaibigan ng mga mamamayang Tsino, ibinigay ni Heneral Stilwell ang positibong suporta sa usapin ng liberalisasyon at progreso ng Tsina, at gumawa rin siya ng positibong ambag sa pagkakaibigan ng mga mamamayang Tsino’t Amerikano.

 


Hindi aniya ito malilimutan ng mga mamamayang Tsino.

 

Noong nakaraan, magkapit-bisig na nagpunyagi ang Tsina at Amerika sa paglaban sa pasistang Hapones at hinangad ang kapayapaan ng daigdig; sa hinaharap, maaaring magtulungan ang dalawang bansa, upang hangarin ang tagumpay at komong kasaganaan, dagdag ni Xi.

 

Dapat aniyang palakasin ng mga mamamayan ng Tsina at Amerika ang pagpapalitan, pahigpitin ang pag-uunawaan, palawakin ang kooperasyon, at walang humpay na pasiglahin ang bagong lakas-panulak sa pag-unlad ng bilateral na relasyon.

 

Ipinahayag ni Xi ang pag-asa at pananalig na patuloy na gagampanan ni John Easterbrook at ibang kapamilya ni Stilwell ang papel sa pagpapasulong sa pagkakaibigan ng mga mamamayan ng Tsina at Amerika.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio