Hinimok Sabado, Agosto 26, 2023 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang lahat ng may kinalamang sangay ng pamahalaan na mahigpit na samantalahin ang estratehikong katayuan ng Xinjiang sa pangkalahatang pambansang situwasyon, at mas mainam na itatag ang isang kaaya-ayang Xinjiang kasabay ng proseso ng pagsasakatuparan ng modernisasyong Tsino.
Winika ito ni Xi habang pinapakinggan sa Urumqi ang ulat hinggil sa mga gawain ng Komite ng Partido at pamahalaan ng Rehiyong Awtonomo ng Uygur ng Xinjiang sa hilagang kanlurang bansa at Xinjiang Production and Construction Corps, makaraan ng kanyang pagdalo sa Ika-15 Summit ng BRICS at dalawang-pang-estado sa Timog Aprika.
Binigyang niya ng lubos na pagpapahalaga ang mga natamong bunga ng Xinjiang sa iba’t-ibang aspekto.
Tinukoy ni Xi, na may katangi-tanging halaga ang mga gawaing may kinalaman sa Xinjiang.
Ang nasabing mga gawain ay may kaugnayan aniya sa pangkalahatang pagtatatag ng Tsina bilang isang malakas na modernong sosyalistang bansa sa lahat ng aspekto, at pagpapasulong sa pag-ahon ng nasyong Tsino.
Aniya, dapat buong sikap na resolbahin ang mga umiiral na problemang kinakaharap ng kaunlaran at katatagan ng Xinjiang, habang ginagawa ang pangmalayuang pagtatasa.
Ito ay upang matibay na mapasulong ang mga pundamental, at saliga’t pangmalayuang gawaing may kinalaman sa kasaganaan at katatagan ng rehiyon, diin ni Xi.
Binigyang-diin din niya ang mahalagang papel na ginagampanan ng pagpapanatili ng pangkalahatang pamumuno ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), at pagpapalakas ng Party building sa Xinjiang.
Salin: Vera
Pulido: Rhio