
Sa kanyang talumpati sa Ika-5 U.S.-China Business Forum na itinaguyod ng Forbes sa Washington, D.C., Agosto 29, 2023, sinabi ni Xie Feng, Embahador ng Tsina sa Amerika, na hindi dapat ganapin ang decoupling at sagupaan sa pagitan ng Tsina at Amerika.
Aniya, ang anumang decoupling sa pagitan ng dalawang bansa ay pinakamalaking panganib, at ang anumang komprontasyon ay pinakamalaking ugat ng kawalang seguridad.
Ang tanging tumpak na pagpipilian ng dalawang bansa ay magkasamang pagharap sa mga pandaigdigang hamon, at pagpapadala ng mas maraming benepisyo ng kapayapaan at kaunlaran sa buong mundo, dagdag niya.
Saad ni Xie, ang mga kaibigan ng sirkulo ng komersyo ay mahalagang “stakeholders” sa relasyong Sino-Amerikano.
Hinimok niya silang patuloy na ilatag ang tulay ng pagkakaibigan at pagtutulungan, at gampanan ang kinakailangang papel para sa pagpapalalim ng bilateral na pagpapalitan at pagpapatatag ng relasyong Sino-Amerikano.
Salin: Vera
Pulido: Rhio
Pangalawang Premiyer He Lifeng ng Tsina at Kalihim ng Komersyo Gina Raimondo ng Amerika, nagtagpo
Premiyer Li Qiang ng Tsina at Kalihim ng Komersyo Gina Raimondo ng Amerika, nagtagpo
Ika-14 na China-U.S. Tourism Leadership Summit, gaganapin sa Tsina sa 2024
Iba't-ibang isyu, tinalakay ng mga ministro ng komersyo ng Tsina’t Amerika